Tuesday, December 4, 2018

Tamang Pag-aruga para sa Kinabukasan ng Bata



Image result for children's day


Ipinagdiriwang tuwing Nobyembre ang National Children's Month Celebration o Buwan ng mga Bata. Lahat tayo ay may responsibilidad at pananagutan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat bata sa kapahamakan. 

Mahirap maging isang doktor, arkitekto, o isang inhinyero. Totoo na  walang madaling propesyon dito sa mundo ito, ngunit wala nang mas hihigit pa sa pagiging isang magulang. Ang pagiging magulang ay ang pinakamahirap sa lahat ng propesyon dito sa mundo. Ito ay pinaplano ng karamihan dahil malaking hamon ito subalit minsan, ibinibigay ito ng pagakakataon na hindi pa handa ang isang tao. 

Bilang isang magulang, responsibilad nila ang tamang pag-aaruga sa anak sa mabuti o maging sa  pinakamasaklap na panahon. Walang bawian ang sitwasyong ito dahil kailangan na tanggapin ano man ang sitwasyon. Susubukin nito ang haba ng pagtitiyaga at pagtitis ng isang tao nang walang kapalit na sahod.
Image result for pagpapadede
Ang tamang pag-aaruga ay dapat simulan sa regular na pagpapadede sa isang sanggol.  Napatunayan sa mga  pagsasaliksik na pinakaepektibong paraan upang makamit ang pinakamabuting kalagayan ng isang bata sa pamamagitan ng pagpapadede. 


Kinakailangan na magkatuwang na pwersa ng magulang upang mapalaking mabuti ang anak. Ito'y nangangahulugan na dapat maglaan ng sapat na oras at panahon ang para sa bata. Nararapat lang na magsimula  sa tahanan ang tamang edukasyon, asal at disiplina upang maging mabuti at kapakipakinabang na mamamayan ang mga bata.
Image result for pag-aaruga hd
Kung ang isang bata ay lalaking disiplinado at maprinsipyo, siya ay magiging inspirasyon at magiging marangal sa iba, kaya napakalaking papel ang ginagampanan ng responsableng paggiging magulang. Nakabatay sa tamang pag-aaruga ang kaunlaran at kahihinatnan ng isang bansa.











No comments:

Post a Comment